Long time no blog!
Di ko alam kung bakit parang wala nanamang sense tong entry na i po post ko. Pero gusto ko lang mag blog. Kasi nahihirapan na ko. Siguro di mahahalata ng ibang tao yun. Ikaw ba namang nakakapag aral, nakakain, at may pamilyang nagmamahal sayo, e sino pa nga bang di sasaya dun? Ayun. Ako kasi, kahit may mga ganun ako, medyo mahirap pa rin sumaya. Una sa lahat, kahit sapat naman yung nabibigay saken about finances, medyo nahihirapan ako i manage yun. Siguro dahil sa plates. Pero kadalasan, dahil sa mga gastusing di ko alam kung bkit ko nagagawa. Isa pa, may mga pagkakataong napapaisip ako. Ba’t ang lungkot ko? At ayun, nasagot naman. Kasi nagkakaroon ako ng takot na baka mag isa ako hanggang sa pagkamatay ko. Alam kong may mga kaibigan ako. May best friend (na di ko kaayos ngayon), may mga HS and College friends, pero yung isang pinakahanap hanap ko, ba’t ayaw? Para bang, oo alam kong bata pa ko, at alam kong di pa yun ang kailangan ko ngayon… Pero kasi ngayon gusto ko makahanap na, at gusto ko patagalin yun. Ang kaso, mahirap, lalo na kung yung taong yun e ang dating pinapalungkot at kinakawawa ko lang. Naguguluhan ako. Ayaw na kasi niya. Pero di ko alam bakit parin ako umaasa. Kasi naiisip ko na parang may hesitation pa ang pag tanggi niya. Kahit sinabi niyang mas naging masaya siya nung nawala ako ng saglit sa buhay niya, di ko ramdam na sinadya nyang sabihin yun kahit na yun yung nararamdaman niya. Ang gara. Umaasa pa ko khit na ayaw niya. Mapilit ako masyado… :/ Ewan ko… Naiisip ko kasi sa huli, na siya yung kailangan ko para maging masaya…. Pero mukang mali isipin dahil may ibang bagay pa bukod diyan…. Kaya ginagawa ko nalang busy sarili ko sa mga ginagawa sa school, pero di rin ako magaling dun e…. Ang masaklap pang nangyayari, every Sunday na nagsisimba ako, may pagkakataong di ako nakakapag focus makinig sa gospel… Para bang ang gulo na lalo ng buhay ko…. :/



1
